All About Faith

Sunday, September 18, 2005

ang buhay may baby

Nakakapang-gigil na nga naman si Faith ngayon. Ang dami na niyang kayang
gawin at marunong na ring magpa-cute.

Aadalas nang ngumiti at tumawa at kung hindi siya talaga natatawa,
pinipilit na niyang gumawa ng laughing sounds para lang matuwa kami.
Marunong na ring sumigaw at mainis at magalit, lalo na kung antok na at
hindi pa niya magawang matulog. Naku, paikot ikot sa kama, naiinis,
umiiyak, pumapadyak pa!
Pero love na love niyang matulog at sumiksik sa kilikili namin. one night,
walang pang five seconds pagka-siksik sa kilikili ko, nakatulog na agad.
Naisip ko nga baka nahilo pero hindi naman ako mabantot hahahha,...
Pag nakikita si daddy niya, kumakawag at kumikisi-kisi pa sa tuwa. Sobrang
makangiti. Pag ako naman ang nakitang galing work at hawak ng daddy,
nagpapa-awa ang tingin at sabay ang iyak. Alam na talaga niya ang
"function" namin sa buhay niya ano.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home